^

PSN Opinyon

Kalamidad sa Nepal, babala sa Pinas

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Walang pinipiling hangganan ang hagupit ng kalikasan. Ang trahedyang naganap sa Nepal-China border ay isang matinding babala na umaalingawngaw hanggang sa mga dalampasigan sa Pilipinas.

Nitong Agosto 26, isang dambuhalang flash flood at mudslide na pinaniniwalaang sanhi ng glacier collapse ang nanalasa sa rehiyon ng Himalayas. Umakyat na sa kasalukuyan ang mahigit 600 ang kumpirmadong nasawi at halos 12,000 katao pa ang nawawala, kabilang ang isang Pinoy doktor. Maaaring isipin ng marami na ligtas ang Pilipinas dahil wala tayong mga natutunaw na niyebe o glacier.

Ngunit ayon kay Dr. Mahar Lagmay ng UP Resilience Institute na ang naganap sa Nepal ay isang halimbawa ng debris flow—isang mabilis at mapanirang agos ng putik at malalaking bato. Kung sa Nepal ay pagkatunaw ng yelo ang mitsa, sa Pilipinas ay matinding pag-ulan at mga bagyo ang pangunahing nagpapalambot ng kabundukan.

Batay sa pagsusuri ng mga eksperto, tumaas ang banta mula sa 100 lugar ay may mahigit 1,000 na sa Pilipinas ang natukoy na may banta ng debris flow. Dahil sa climate change, mas nagiging marahas at madalas ang pabubuhos ng ulan na madaling magbunsod ng mga landslide. Naranasan na natin ang debris flow tulad noong Bagyong Pablo (2012) sa New Bataan, Compostela Valley, kung saan ang mga kabundukan ay gumuho at nagpadala ng dambuhalang mga bato at troso na nagpapatag sa mga komunidad.

Ang nangyari sa Nepal ay dapat magsilbing pwersa upang kumilos ang gobyerno na tutukan ang mabilisang pagtukoy sa mga peligroso at marupok na dalisdis sa mga lalawigan. Ang ating bansa ay may matatarik na bulubundukin, aktibong bulkan, at madalas makaranas ng malalakas na bagyo. Ang matagalang pag-ulan ay nagpapakulo sa lupa upang maging madulas na putik o liquid concrete.

Dapat na ipagbawal ang pagtatayo ng mga permanenteng kabahayan o istruktura sa mga paanan ng bundok na madaling gumuho. Hindi sapat na alam nating uulan; dapat may kakayahan ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) na mag-abiso kung kailan eksaktong aagos ang lupa o putik.

Ang kahandaan ngayon ang magdidikta kung tayo ba ay makaliligtas o magiging susunod na balita ng trahedya.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with