^

PM Sports

Eala gigil humataw sa US Open

Chris Co - Pang-masa
Eala gigil humataw sa US Open
Eala

MANILA, Philippines — Excited na si Alex Eala na humataw sa US Open ang ikalawang pagkakataon na masisilayan ito sa main draw ng naturang grand slam event na gaganapin sa New York.

Matatandaang umabot si Eala sa second round ng US Open noong 2025.

Ngunit natalo ito kay Cristina Bucsa ng Spain sa iskor na 4-6, 3-6.

Sumalang sa pukpukang ensayo si Eala kung saan nakasabay pa nito sa training sina world No. 1 Aryna Sabalenka at Grand Slam champion Naomi Osaka.

Nakatakdang sumalang si Eala sa mixed doubles event Martes ng gabi sa Louis Armstrong Stadium.

Kasama ni Eala si world No. 4 Felix Auger-Aliassime ng Canada.

Makakalaban nina Eala at Auger-Aliassime sina Gael Monfils at Elina Svitolina sa opening round.

Nasa New York na rin ang blue dinosaur na superfan ni Eala sa mga laban nito.

Sa isang post sa social media, nakita ang picture ng blue dinosaur na may cape na bandila ng Pilipinas.

Samantala, patuloy ang paglobo ng kayamanan ni Eala dahil makasisiguro na ito ng milyun-milyon sa US Open.

Magbubulsa si Eala ng siguradong $160,000 o halos P10 milyon hindi pa man nagsisimula ang kampanya nito.

May $140,000 o P8.6 milyon na ito sa singles at $20,000 o P1.2 milyon sa mixed doubles.

Nakalaan ang $190,000 sa second round, $290,000 sa third round, $480,000 sa fourth round, $780,000 sa quarterfinals at $1,450,000 sa semifinals.

Tumataginting na $5.5 milyon o P339 milyon ang maibubulsa ng magkakampeon habang may $2.8 milyon o mahigit P172 milyon naman para sa runner-up.

Mababawasan pa ito ng mga taxes na ipinatutupad sa Amerika gayundin ng mga personal expenses gaya ng coaches fee, hotel at iba pang gastusin ng isang pro player.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with