^

PSN Opinyon

Accomplishment ni PRO-6 Dir. Tuaño ikinatuwa ng Ilonggo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI kayang tawaran itong kasipagan na ipinapakita ni Police Regional Office 6 (PRO-6) P/BGen. Randulf Tuaño para maibalik ang pagtitiwala ng mga Ilonggo sa kapulisan. Kasi nitong Agosto 20-21, sa loob lamang ng isang araw ay naipasok sa selda itong 15 Wanted Persons matapos na ikumpas ni Tuaño ang kanyang makamandag na kamay sa lahat ng mga kapulisan sa Western Visayas Region upang magsagawa ng operasyon laban sa mga Wanted Persons na matagal nang naglulungga  sa mga lalawigan ng Iloilo, Capiz, Antique, Guimaras at Iloilo City.

Hindi naman nabigo itong si PRO-6 Dir. Tuaño dahil himas rehas na ang 15 at siguradong nabawasan na ang takot ng aking mga kababayan at makapamuhay na sila ng payapa. Kaya naman sa ngayon ay bukambibig itong si P/BGen. Tuaño sa lahat ng sulok ng Panay Island dahil sa kanyang kasipagan at dedikasyon sa tungkulin na makapagbigay ng proteksyon sa mga Ilonggo. Kumbinsido kasi itong aking mga kababayan na hindi ningas cogon o papogi points lamang itong ipinapakita ni Tuaño. Hehehe!

Kung nakakalusot noon itong mga mangingisda na nagsasagawa ng kanilang nillegal fishing aba’y hindi na uubra ngayon dahil mahigpit na pinatutukan na ito ni Tuaño sa kanyang mga kapulisan kasama ang mga Bantay Dagat ng mga Local Government Units (LGUs). Hindi lamang iyan mga suki, maging itong mga nagsasagawa ng illegal na pagtu-troso ay kabilang din sa pinaghuhuli bilang proteksyon sa kalikasan.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 928 mangingisda ang nasampulan o nahuli na sa bangis ng direktiba ni Tuaño at sa hanay naman nang magtotroso, 306 na ang nalambat at humaharap na ngayon sa kawing-kawing na asunto sa husgado. Kung sabagay hindi naman magiging matagumpay itong pagkilos nang mga kapulisan ni PRO-6 TDir. Tuaño kung walang suporta mula sa mga Mayors ng mga Bayan-bayan at maging mismo sa mga residente. Kasi kung aasa lamang ang mga residente sa pagkilos ng mga ahensiya mula sa Bureau of Fisheries at Department of Environment and Natural Resources (DENR) aba’y wala ni isa man lang ang mahuhuli at makakasuhan dahil bukambibig na ng aking mga kababayan na pasok na ito sa kalakaran ng mga ahensiyang nabanggit. Hehehe!

Subalit may panawagan itong ilan kung mga kababayan diyan sa Capiz, kasi nga halos mag-iisang taon nang hindi nabibigyan ng Permit to Operate itong mga nangunguha ng ‘Buhangin’ diyan sa may Agbalo River, Pontevedra, Capiz kaya’t nagsasagawa na ng illegal na pagsisid ng buhangin itong ilang mga nagugutom na mga trabahador. Mukhang nakalimutan na ni Capiz Governor Fredenil ‘Oto’ Castro na ikumpas ang kanyang uuga-ugang kamay sa DENR upang makapag-operate na itong mga nagugutom na maninisid ng buhangin dyan sa Agbalo River. Hehehe!

At para masiguro itong kaligtasan ng mga nag-i-ilegal na magbubuhangin, dapat isama na rin ito ni Tuaño sa pagrerekurida ng kanyang mga kapulisan upang maiwasan ang ilegal na paninisid ng buhangin sa Agbalo River. Kasi nga kung bawal ang pagko-quarry ng buhangin diyan sa Agbalo River, bakit  patuloy pa rin ang pangunguha ng buhangin at tuloy lang ang kalakalan. Ang masakit, dahil sa kawalan ng ‘Permit’ aba’y tumataas tuloy ang presyo ng bawat metro ng buhangin sa patagong bentahan. Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with