73 pamilya nasunugan sa Muntinlupa
MANILA, Philippines — Umabot sa 73 pamilya o 194 indibidwal ang nawalan ng bahay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Cupang, Muntinlupa nitong Sabado.
Sa ulat, dakong alas-10:17 ng umaga ng Agosto 22, nang magsimula ang sunog sa Bunyi Compound, East Service Road na itinaas sa unang alarma pagsapit ng alas-10:25 ng umaga, bago ito na-control alas-11:13 at idineklarang fire-out alas-11:50 ng umaga. Walang iniulat na nasawi at nasugatan.
Sinabi ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na pansamantalang nananatili ang mga apektadong pamilya sa Bunyi covered court. Inatasan niya ang Social Services Department ng lungsod na magbigay ng tulong, lalo na ang mga mahahalagang non-food items tulad ng sleeping at hygiene kits, food packs at bigas.
Tiniyak ng alkalde sa mga pamilya na bibigyan sila ng tulong pinansyal at ire-refer sa iba pang ahensiya ng gobyerno para sa mga espesyal na pangangailangan.
- Latest





















