Alas Women preparado sa Asiad

MANILA, Philippines — May sapat na preparasyon at pagkilala sa kanilang mga teammates, ready na ang Alas Pilipinas Women na sumabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa susunod na buwan.
“I feel like ready naman kami kasi after nu’ng SEA V Cup namin nagkaroon din kami ng assessment as a team, and siyempre as an individual,” ani star spiker Bella Belen sa Nationals.
Bagama’t 15 araw lamang nag-ensayo ay nakuha pa rin ng mg Pinay hitters ang kauna-unahang silver medal sa nakaraang 2026 Southeast Asia (SEA) V Cup Women’s Volleyball Championship.
Ito ang kauna-unahang silver medal ng Alas Women sa seven-year, 11-leg history ng regional tournament matapos makuntento sa anim na bronzes.
Ang paglahok sa SEA V Cup ay bahagi ng paghahanda ng Nationals sa Aichi-Nagoya Asiad na nakatakda sa Setyembre 16 hanggang 22.
Kasama ng Alas Women ni Japanese coach Taka Minowa sa Pool B o ang tinatawag na ‘Group of Death” ang nine-time Asian Games champion China at Kazakhstan
“Marami kaming natutunan from him. Kumbaga iyong unang week pa nga lang namin na nagiging coach siya, nakita na namin agad iyong improvement namin. Ako personally, nakita ko agad iyong ano iyong mga na-improve ko kahit paano under him and siyempre excited pa ako sa kung ano pa iyong puwede niyang maibigay sa team,” ani Belen kay Minowa.
Bukod kay Belen, inaasahan ding mapapasama sa final lineup sina team captain Jia De Guzman, Eya Laure, Bella Belen, Erika Santos, Alyssa Solomon, Vanie Gandler, Angel Canino at Thea Gagate.
Nasa Pool A ang host Japan, Indonesia at Nepal, habang magkakasama sa Pool C ang Thailand, Chinese Taipei, Kyrgyzstan at Mongolia at ang Pool D ay binubuo ng Vietnam, Republic of Korea, Hong Kong, China at Qatar.
- Latest




















