Eala mabagsik sa US Open

Stoiana dinispatsa
MANILA, Philippines — Nagparamdam agad ng lakas si Alex Eala matapos ilampaso si Mary Stoiana ng Amerika sa pamamagitan ng 6-1, 6-2 demolisyon upang umusad sa second round ng US Open kahapon sa Louis Armstrong Stadium sa Flushing Meadows, New York.
Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Eala nang bumulusok agad ito sa first set pa lamang para makuha ang 1-0 bentahe.
Sinubukang pumalag ni Stoiana nang makuha nito ang 2-1 kalamangan sa first set.
Subalit iyon na lamang ang nakayanan nito matapos ilabas ni Eala ang bagsik nito para tuluyan tapusin ang laro na tumagal lamang ng isang oras at 19 minuto.
“Every exchange had its own challenges, especially in the start of the second set. I think she put me in uncomfortable positions,” ani Eala.
Ito ang ikalawang panalo ni Eala kay Stoiana.
Matatandaan tinalo na ito ng Pinay netter noong 2024 sa ITF 1000 Koser Jewelers Tennis Challenge sa iskor na 7-5, 6-2.
“She’s been having a great run, coming from qualifiers in a good past couple of weeks. So, I’m really happy with this match,” ani Eala.
Dahil sa solidong laro ni Eala, napuwersa si Stoiana na magtala ng 26 unforced errors.
Nagpasalamat si Eala sa mga Pinoy fans na dumagsa sa venue para suportahan ito sa kanyang laban.
Kaliwa’t kanan ang mga bandila ng Pilipinas sa buong stadium.
“I think now I’ve experienced it a lot recently, and in terms of being professional, compartmentalizing and finding my peace, I’ve definitely gotten into a better rhythm with it,” wika ni Eala.
Masaya si Eala sa kabi-kabilang suporta nito kung saan may ilan pang nagdala ng mga larawan nito noong bata pa ito.
“It doesn’t get old. They do still surprise me. Yes, they do. They’re very creative. The fans are very creative, and I love to see it. Yeah, I was surprised. I thought it was super cute. They just make my day,” ani Eala.
Sunod na sasagupain ni Eala si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa second round.
Target ni Eala na makaresbak sa Ukrainian netter na tumalo sa kanya sa opening round ng WTA 500 Strasbourg Open noong Mayo sa France sa iskor na 3-6, 7-5, 6-3.
- Latest


















