^

PSN Opinyon

Mark Jayson: Pinoy chef de partie sa Poland

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Sa mga hotel, restawran at iba pang food establishment sa  ibang bansa, marami ring overseas Filipino worker ang umangat sa kanilang karera rito.

Isa rito si Mark Jayson Bermudez, isang Pilipinong umangat bilang chef de partie sa isang resort hotel sa Ko?obrzeg, Poland. Sa edad na 34, naitampok ang kanyang kuwento sa isang international publication na The Glo-bal Filipino Magazine.

Hindi naging madali ang pag-abot ni Mark sa ganitong antas. Tulad ng maraming OFW, nagsimula siya sa mababang posisyon at dumanas ng iba’t ibang pagsubok bago tuluyang nakaangat.

Taong 2015 nang magsimula ang kanyang paglalakbay sa abroad bilang service crew sa isang kilalang fast food restaurant sa Kuwait. Doon niya unang naranasan ang disiplina sa isang propesyonal na kusina at nakatanggap siya ng pagkilala bilang Employee of the Month at kalaunan ay Emplo-
yee of the Year.

Hindi naman talaga niya pinangarap ang mangibang-bansa. Ayon sa kanya, nagkataon lamang ang lahat. Isang kaibigan ang nag-aaplay noon at napasabay lamang siya sa proseso. Pinapirma siya ng mga dokumento at hindi nagtagal ay natanggap din siya.

Bago pa man siya makarating sa Kuwait, sari-saring trabaho na ang kanyang pinasok sa Pilipinas. Naging dishwasher siya sa isang malaking shopping mall, nagtrabaho bilang cleaner, naging delivery boy at bodegero, at nasubukan din ang pagiging magsasaka. Mga karanasang humubog sa kanyang pagkatao at nagturo sa kanya ng kahalagahan ng sipag at tiyaga.

Hindi rin naging magaan ang kanyang unang mga taon sa abroad. Sa Kuwait, ang kanyang buwanang suweldo noon ay umaabot lamang sa halagang katumbas ng humi-
git-kumulang labintatlong libong piso. Sa kabila nito, sinikap niyang makapagpadala ng malaking bahagi nito sa kanyang pamil-
ya sa Pilipinas. Upang makatipid, tiniis niyang kumain ng mga tira at pagkain na itinatapon na lamang ng iba.

Isa sa pinakamabigat niyang pinagdaanan ay nang mawalan siya ng visa sa loob ng halos isang taon. Nagpalipat-lipat siya ng trabaho na hindi nagtatagal hanggang isang kumpanya ang kumilala sa kanyang kakayahan at tumulong para maayos ang kanyang papeles.

Sa gitna ng lahat ng ito, unti-unting nahubog ang kanyang hangarin na maging chef. Hindi lamang ito simpleng trabaho para sa kanya kundi isang landas tungo sa mas maayos na kinabukasan. Ayaw na niyang bumalik sa dating kalagayan kaya nagpursige siyang pag-
husayin ang kanyang kakayahan sa pagluluto. Para sa kanya, mahalagang magkaroon ng direksiyon at malinaw na layunin sa buhay, lalo na sa gitna ng mga hamon ng pangingibang-bansa.

Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap. Isa sa kanyang ipinagmamala-
king tagumpay ay ang pagkapanalo ng unang gantimpala sa isang kompetisyon na nilahukan ng mahigit isang daang restawran at hotel noong 2024. Tangi siyang Pilipino sa isang koponan na binubuo ng mga Polish at Ukrainian chef. Miyembro siya ng isang organisasyon ng mga Filipino chef sa Kuwait na naglalayong pag-isahin at suportahan ang mga kababayang nasa parehong propesyon.

Sa kabila ng kanyang tagumpay sa ibang bansa, nananatili ang kanyang hangaring makabalik sa Pilipinas. Hindi niya nais tumanda sa abroad. Pangarap niyang makapagtayo ng sariling restawran at maibahagi ang kanyang natutunan sa mga susunod na henerasyon ng mga kusinero.

Payo niya sa kapwa niya OFW, huwag isuko ang sariling hilig at pa-ngarap. Iwasan ang trabahong hindi mo mamahalin dahil lalo lamang itong magpapabigat sa kalooban. Mahalaga ang sipag, pokus at patuloy na pag-alala sa pamilya bilang inspirasyon. Lahat aniya ay may kanya-kanyang pakikibaka, ngunit hindi dapat magpatalo sa stress at pagod. Sa halip, dapat manatiling matatag, ligtas at determinado sa pagharap sa bawat pagsubok.

* * * * * * * * * *

 

Email – [email protected]

OFW

WORKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with