Delubyo ng korapsyon nakakapanginig na!
HABANG nagbabarubalan ang magkabilang panig ng mga abogado ng prosecution at dumidepensa sa panig ni VP Sara Duterte sa kinakaharap nitong impeachment sa senado aba’y nilalamon na ng baha na mistulang delubyo ang buong bansa.
Naging malaking komedya ang nangyari sa bansang Pilipinas dahil sa pulitikang puno ng kasakiman na lalo’ng nagpahirap sa takbo ng komersiyo at pamumuhay ng mga Pilipino. Ang pagsasanib ng grupo nina Bongbong at Sara ay naging unbeatable ngunit naging serye ng mala-impiyerno’ng rebelasyon ng pagiging makasarili.
Dumami ang imbentor ng mga mapanirang istorya na kinagiliwan at ginatungan pa ng mga tao’ng mahilig sa gulo. Maraming naging siyentipiko ng kuwentong kababalaghan na sila naman ang tinamaan.
Nakakulong na sina Mike Defensor at Rodante Marcoleta na unang nagprisinta ng mga witnesses na nagpatotoo na may male-maletang pera na ninakaw sa kaban ng bayan. Nagtatanong naman ang taumbayan kung saan galing ang milyones na ibinayad sa mga soldier of fortunes?
Bumaliktad na rin si Orly Guteza na naging unang saksi at nagpatotoo na naghatid diumano sa male-maleta’ng pera sa bahay nang noo’y House Speaker Martin Romualdez. Sinabi ni Guteza na sina Mike Defensor at Rodante Marcoleta ang gumuhit at nagsulat at naging promotor ng lahat ng huwad na pagbubunyag. Nangyari ito matapos bumaliktad ang 4 na former marine soldiers na may kaugnayan din diumano sa grupo ni Mike Defensor. Tsk tsk tsk!
Posibleng salantain tayo ng iba’t ibang uri karamdaman na hatid ng ‘sandamakmak na kaburaraan dulot ng malawakang pagbaha. Ang mga burak na humalo sa tubig baha at mga basurang nagmula sa mga ospital at umapaw na mga pozo negro ay maaring pagmulan ng sakit habang nasa ibang bansa naman at nagliliwaliw ang ibang kongresista at senador para umiwas sa mga imbestigador ng ombudsman. Bagyong ‘‘salisi’’ ang dapat bantayan!
Posibleng lumobo ang kaso ng leptospirosis at dengue sa ganitong panahon kaya ipanalangin na lamang nating magampanan ng maayos ng mga opisyales ng DOH, DILG, DSWD ang kanilang tungkulin nang maayos. Wala munang nakawan! Puwede ba?
- Latest



















