^

Punto Mo

EDITORYAL — CADENA Act, nabaon na ba sa limot?

Pang-masa

INAPRUBAHAN ng Senado ang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accounta­bility (CADENA) Act noong Disyembre 15, 2025.

Pero walong buwan na ang nakararaan, nananatili pa rin itong nakatambak at inaamag sa House of Re­presentatives. Ang taumbayan ay patuloy na naghihintay kung gugulong pa ba ang batas. Umaasa pa rin sila na uusad ang pinagdebatehang panukala.

Ginawa ang panukala bilang tugon sa mga kontro­bersiya at anomalya sa mga pampublikong pondo, lalo na sa mga proyektong pang-imprastraktura lalung-lalo na ang flood control projects.

Layunin ng CADENA na gamitin ang blockchain technology upang ilagay sa iisang pampublikong online portal ang lahat ng dokumento kabilang dito ang mga kontrata, listahan ng proyekto at gastusin

Pero habang tayo’y binabaha nang paulit-ulit, ang batas na dapat sanang tumulong para malaman natin kung saan talaga napunta ang pera para sa flood control ay nakatengga lang sa isang komite.

Mula sa pagiging ikatlo sa listahan ng priority bills ng LEDAC bumagsak ito sa ika-41 puwesto. Ano ang nangyari?

Bakit hindi na ito umuusad?

Bakit walang paggalaw sa loob nang maraming buwan?

Balak pa ba itong ipasa o hindi na?

Bakit biglang bumaba ang pagiging priority ng isang batas na dapat sana’y hindi na kailangan pang pagtalunan dahil 17-0 ang boto nito sa Senado?

Hindi ito usapin ng teknikalidad. Ito ay usapin ng pagpili, pagpili ng Kongreso na patagalin pa ang isang batas na dapat matagal nang ipinatutupad, sa mismong panahon na pinakakailangan natin ito.

Bawat buwang naka-freeze ang CADENA Act ay isa pang buwang maaaring lusutan ng katiwalian, isa pang proyektong hindi pa rin masusubaybayan, isa pang barangay na babahain nang hindi alam kung saan talaga napunta ang pondong dapat sana’y nagligtas sa kanila.

Hindi dapat hintayin pa ng Kongreso ang susunod na baha, bago sila kumilos. Ilabas na sa komite ang CADENA Act.

Ipasa na ito, bago pa tuluyang lumubog sa limot, tulad ng mga proyektong hindi rin nalaman kung saan napunta. Bakit kung alin ang dapat iprayoridad na batas ito naman ang kinalilimutan ng mga mambabatas. Iprayoridad sana ang batas na ito.

CADENA ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with