^

PSN Palaro

Gilas walang tigil sa ensayo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinasamantala na ng Gilas Pilipinas ang maha­bang araw ng training para matiyak na maganda ang kundisyon nito para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi ininda ng Gilas ang matinding buhos ng ulan dahil tuloy lang ang ensayo nito.

Sumalang na ang tropa sa matitinding workout sa SMC practice facility sa Pasig City.

Halos kumpleto na ang Gilas sa training kasama ang nagbabalik na si Kai Sotto at iba pang miyembro ng tropa.

Ito ang unang paglalaro ni Sotto sapul noong nakaraang taon.

Hindi naglaro si Sotto sa final window noong Peb­rero kaya’t magandang pagkakataon ang training camp para muling mabuo ang chemistry nito sa team.

Hindi naman ito magiging problema para kay Sotto dahil kabisado nito ang galaw ng kanyang mga kasama sa Gilas pool. 

Importante ang magiging laban ng Gilas sa second round ng qualifiers.

Ang tatlong mangu­ngu­nang koponan sa bawat grupo ang aabante sa FIBA World Cup proper sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan, nasa No. 5 spot ang Gilas sa Group E kasalo ang Syria taglay ang makatulad na 2-4 rekord.

Nangunguna ang Australia na may malinis na 6-0 marka kasunod ang Iran at Jordan na may parehong 5-1 baraha. Ikaapat naman ang New Zealand na may 4-2 kartada.

Kaya naman kaila­ngan ng Pinoy cagers na makuha ang dalawang panalo kontra sa Jordan at Iran para tumaas ang tsansa nitong makapasok sa FIBA World Cup proper.

Haharapin ng Gilas ang Jordan sa Agosto 28 habang makakasagupa nito ang Iran sa Agosto 30.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with