^

PSN Palaro

Eala mas mabagsik sa 2026 US Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala mas mabagsik sa 2026 US Open
Alex Eala

MANILA, Philippines — Inaasahang mas magiging palaban si Alex Eala sa 2026 edisyon ng US Open base na rin sa magandang inilalaro nito sa hard court season.

Pinakamagandang resulta nito sa kanyang tennis career ang kam­peonato sa Mubadala DC Open sa Washington DC sa Amerika.

Sa kanyang bawat laban, bitbit ni Eala ang never say die spirit na isa sa magagandang armas nito.

Sa kabila ng injury, pagod at iba pang mga nakakaapekto sa kanyang laban, hindi sumusuko si Eala.

Sa halip, ipinapakita nito ang tunay na dugong Pinoy na palaban.

“You have to rust yourself enough and you trust yourself enough to hang on there a little bit. Hang in there if it’s tough, it’s tough and hang in there and wait for my opportunity,” paha­yag ni Eala.

Masaya si Eala na unti-unti na nitong naaabot ang minsan na pangarap lamang. At umaasa itong mas lalo pa itong uusbong at lalago sa mga susunod na labang haharapin nito.

“My dreams have really been coming to life. What’s beautiful about it is that I still have more to achieve, more to experience,” ani Eala.

Maging ng kanyang kapwa WTA players ay humahanga kay Eala sa kanyang magandang ratsada.

“She’s a fighter,” ani Amanda Anisimova ng Amerika na siyang tumalo sa kanya sa third round ng Cincinnati Open.

At sa pagtungtong nito sa US Open, tiyak na bitbit ni Eala ang Pinoy spirit kasama ang milyong mga Pilipinong patuloy na sumusuporta sa kanyang bawat laban.

Puspusan na sa ensayo si Eala para masigurong handang-handang ito sa laban.

Sasabak si Eala sa singles na seeded player habang masisilayan din ito sa mixed doubles kasama si Canadian Felix Auger-Aliassime.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with