Gilas Women sibak sa pre-Olympic qualifiers
MANILA, Philippines — Tuluyan nang napatalsik sa kontensyon ang Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2026 matapos ang 38-85 kabiguan sa Canada kahapon sa Arena Astros sa Guadalajara, Mexico.
Nagtala si veteran center Jack Animam ng 11 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals, habang may siyam si Vanessa de Jesus para sa Gilas Women.
Ito ang ikalawang sunod na kamalasan ng World No. 30 Gilas Women sa Group B kasama ang masaklap na 58-61 pagyukod sa No. 31 Mexico sa pre-Olympic qualifiers.
Nagmula naman ang No. 7 Canada sa 72-57 paggupo sa No. 22 Senegal para sa kanilang 2-0 marka.
May 2-0 record din ang mga Mexicans sa bisa ng 79-65 pagpapatumba sa mga Senegalese na tuluyan nang sumibak sa mga Pinay cagers.
Isasara ng Gilas Women ang kanilang kampany sa sa pagsagupa sa Senegal ngayong alas-7:30 ng umaga.
Kaagad umarangkada ang mga Canadians sa first period, 23-4, patungo sa pagtatala ng 46-11 halftime lead bago nakahabol ang mga Pinay dribblers sa pagkamada ng 18 points sa third period kumpara sa 16 markers ng kalaban.
Ngunit nilimitahan ng Canada ang Gilas Women sa siyam na puntos sa kabuuan ng fourth quarter kasabay ng pagkamada ng 23 markers.
- Latest





















