^

PSN Palaro

Gilas Women mapapalaban sa Canada

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas Women mapapalaban sa Canada
Gilas girls
FIBA

MANILA, Philippines — Determinado ang Gilas Pilipinas Women na makabangon mula sa isang masaklap na talo sa pagharap sa Canada sa group stage ng FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2026.

Lalabanan ng World No. 30 Gilas Women ang No. 7 Canada ngayong alas-7:30 ng umaga sa Group B sa Arena Astros sa Guadalajara, Mexico.

Nagmula ang mga Pinay cagers sa mapait na 58-61 kabiguan sa host Mexico sa pagbubukas ng torneo noong Martes.

Sinayang ng Gilas Women ni Canadian coach Burke “BT” Toews ang itinayong 15-point lead sa second quarter matapos kumulapso sa dulo ng fourth period laban sa mga Mexicans.

“I think we all feel that we gave that game away. I don’t want to take anything away from Mexico because they played a good se­cond half, but we feel we gave that game away,” ani Toews na pumalit kay coach Patrick Aquino sa bench ng Nationals.

Walang ibang nasa isip si Fil-Am point guard Vanessa de Jesus kundi ang ibangon ang Gilas Women bagama’t mabigat na kalaban ang Canada.

“It’s about bouncing back, and I think this will be a good learning moving forward,” sabi ni De Jesus na muling makakatuwang sina center Jack Animam, Kacey Dela Rosa, Afril Bernardino, Sophia Dignadice at Jhazmin Joson.

Matapos ang Canada, sunod na haharapin ng Gilas Women ang No. 22 Senegal bukas ng alas-7:30 ng umaga.

Pag-aagawan sa torneo ang nag-iisang qualifying berth sa 2028 FIBA Wo­men’s Olympic Qualifying Tournaments para sa Olympic Games sa Los Angeles, USA.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with