^

Punto Mo

EDITORYAL - 911, epektibo ba sa oras ng emergency?

Pang-masa

SA oras ng pangangailangan, dapat ay mabilis ang tugon, malinaw na gabay, at agarang tulong sa mga nasa bingit ng kamatayan.

Ito ang naging issue sa viral na reklamo ng isang netizen na nagngangalang Basty Askri matapos ang medical emergency ng kanyang ama sa Taguig, kung saan sinabi niyang matagal siyang tumawag sa 911, nag-CPR habang naghihintay, at nakaranas ng kali­tuhan sa pagdating ng responder. Kalaunan, kinumpirma rin na namatay ang kanyang ama sa gitna ng insidente.

Kalaunan, humingi siya ng paumanhin sa ilang pahayag at nilinaw na ang unang dumating ay barangay Patient Transport Vehicle, hindi 911 ambulance. Sinabi rin niyang hihintayin na lamang niya ang imbestigas­yon bago magsampa ng reklamo.

Ngunit nananatili ang pangunahing tanong: gaano ba ka-efficient ang emergency system sa bansa?

Ayon sa Taguig, natanggap nila ang request mula sa Unified 911 ngunit kulang ang naipasa na impormasyon kung saan lot at block number lamang, walang eksaktong address o landmark. Sinubukan nilang i-ve­rify ang lokasyon at contact number, ngunit hindi agad nakuha ang detalye, kaya barangay assistance ang unang nakarating.

Dito lumilitaw ang problema: hindi sapat ang 911 kung putol ang chain ng response mula caller, hotline, local command center, barangay, ambulansiya, hanggang ospital. Sa bawat link, mahalaga ang oras, tamang­ impormasyon, at malinaw na handover. Kapag­ may delay o kulang sa datos, bumabagal ang buong sistema.

Kailangan nang malinaw na response-time stan­dards, mas maayos na GPS-based location verification, at mas malinaw na dispatch protocols. Dapat ding malinaw sa publiko ang pagkakaiba ng patient transport vehicle at tunay na medical ambulance, dahil sa emergency, ang maling akala ay nagdudulot ng dagdag na aberya.

Higit sa lahat, hindi dapat ang mamamayan ang nalilito kung sino ang dapat tawagan. Ang sistema mismo ang dapat kumilos.

Hindi ito usapin ng sisi sa isang tao o lungsod, kundi ng sistemang kailangang gumana nang buo. Dapat din transparent ang imbestigasyon: sino ang sumagot, ka­ilan naipasa, anong impormasyon ang kulang, at saan nagkaproblema.

Ang 911 ay dapat pangako ng agarang tulong, hindi suwertihan kung makakaresponde ba agad sa humi­hi­ngi ng tulong.

Hindi sapat na may “unified” hotline kung hindi naman­ unified ang sistema. Nararapat tuunan ng pamahalaan ang mahalagang isyung ito.

EMERGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with