Aga, malaki ang ipinayat sa cycling!

Nakatakda nang magbalik sa trabaho si Aga Muhlach matapos ang mahigit dalawang taong pamamahinga niya sa pag-arte.
Bibida ang aktor sa 2nd Miracle in Cell No. 7, isa sa mga unang opisyal na entries na inihayag para sa Metro Manila Film Festival 2026.
Sa kanyang latest Instagram post ay makikitang nagba-bike ang aktor at inanunsyo sa caption na ready na raw siyang bumalik sa trabaho.
“Work to start soon!!!! I’ll be ready!! #mmff2026 #Untreated? stay safe and dry everyone,” sey ni Aga.
Kitang-kita rin sa video ang fit na pangangatawan ng aktor na bunga ng kanyang passion sa pagba-bike. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang bagong proyekto at tila nagpapayat siya talaga nang husto.
Sa comment section ay nagpahayag naman ang kanyang fans na excited na silang mapanood muli ang aktor sa big screen since huli pa siyang napanood sa pelikulang Uninvited na entry naman sa MMFF 2024.
Two years na ring into cycling si Aga at parati niya ring isine-share sa social media ang kanyang mga long-rides and outdoor bonding moments kasama ang asawang si Charlene Gonzalez at ang anak nilang si Andres Muhlach.
Kamailan lang ay ipinagdiwang ng aktor ang kanyang 57th birthday sa pamamagitan ng biking session kasama si Charlene at kanilang mga kaibigan. Kabilang nga sa dumalo sa nasabing birthday event si Alden Richards na mahilig din sa biking.
Last May, Aga and Charlene celebrated their silver wedding anniversary with a meaningful long-range cycling trip.
Aminado rin si Morning (tawag kay Aga sa showbiz) malaki talaga ang naitulong ng biking sa kanyang weight-loss journey.
Wilbert, na-challenge
Kapwa na-challenge sina Wilbert Ross and Eric Ejercito sa kani-kanilang roles sa The Guardian, a Korean-Filipino action-thriller film kung saan ay nakasama nila ang mga Korean stars na sina Nam Woo Hyun at Park Eun Hye.
Tsika ng dalawang aktor sa mediacon para sa naturang pelikula, ibang-iba raw ang kanilang roles dito sa mga pelikulang nagawa na nila.
Ayon kay Wilbert na sanay sa mga rom-com movies, this time ay napasabak naman daw siya sa action scenes.
“Medyo challenging talaga yung role kasi sanay ako sa mga pa-sweet lang for rom-coms. Dito eh, talagang may action scenes ako na nagagalos talaga ako, nabilad sa araw,” aniya.
“Pero proud ako sa nagawa ko rito, iba naman,” dagdag pa niya.
Si Eric naman na sanay sa drama ay nag-comedy naman dito. “Baliktad kami ni Wilbert rito. Kung siya nanibago sa action scenes, ako naman medyo kinailagan kong mag-adjust sa comedy, something na hindi ko gaano ginagawa,” sey ni Eric.
“But it’s a welcome change. Para maipakita ko rin naman sa mga tao ang versatility ko,” he added.
Two years in the making ang The Guardian kaya naman masaya ang cast na finally ay maipalalabas na ito sa sinehan.
- Latest
























