LPA pumasok na sa PAR

MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na huling namataan sa layong 1040 kilometro silangan ng Luzon.
Ayon kay Aldczar Aurelio, weather specialist ng Pagasa, mababa ang tsansa na maging isang bagyo ang naturang LPA at wala pang direct impact sa bansa.
Aniya, ang nagpapaulan sa Luzon partikular sa Benguet, La Union, Pangasinan, Zambales Bataan gayundin sa Metro Manila, Ilocis Sur, Abra, Tarlac, Pampangga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, at Occidental Mindoro ay dulot ng epekto ng Habagat.
Ayon kay Aurelio, ang weather system ay patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa Luzon at sa western section ng Visayas hanggang sa susunod na limang araw.
Ang Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao ay maaliwalas ang panahon maliban na lamang sa minsang pag-ulan dahil sa local thunderstorm.
- Latest























