^

PSN Palaro

Gilas Women sasagupa sa Mexico sa Olympic Pre-Qualifying

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas Women sasagupa sa Mexico sa Olympic Pre-Qualifying
Gilas Pilipinas Women have arrived in Mexico for the FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2026.
Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP / Facebook page

MANILA, Philippines — Ang host Mexico ang unang makakatapat ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournament 2026 sa Arena Astros sa Guadalajara, Mexico.

Lalabanan ng mga Pinay cagers ang mga Mexicans ngayong alas-10:30 ng umaga (Manila time).

Sina Jack Animam, Kacey Dela Rosa at Afril Bernardino ang na­ngunguna sa Nationals na ipaparada si bagong Canadian coach Burke “BT” Toews kapalit ni Patrick Aquino na coach ngayon ng Blackwater sa PBA.

Kasama ng World No. 30 Pilipinas sa Group B ang No. 31 Mexico, No. 7 Canada at No. 22 Senegal, habang nasa Group A ang No. 23 Argentina, No. 9 Brazil, No. 21 New Zealand at No. 42 South Sudan.

Maglalaro ang walong koponan sa isang single round-robin eliminations kung saan ang top two teams mula sa dalawang grupo ang aabante sa semis patungo sa finals.

Paglalabanan sa torneo ang nag-iisang qualifying spot sa 2028 FIBA Women’s Olympic Quali­fying Tournaments para sa Olympic Games sa Los Angeles, USA.

Sunod na haharapin ng mga Pinay ang mga Canadians sa Huwebes alas-7:30 ng umaga bago magkipagkita sa mga Sene­galese sa Biyernes sa parehong oras.

Matapos ang torneo ay lalaro ang Nationals sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan na nakatakda sa Setyembre 16 hanggang 22.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with