^

Metro

5 ‘tulak’ arestado sa drug den sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Higit P1 milyong shabu nasabat

MANILA, Philippines — Isang drug den ang pinaniniwalaang nalansag nang salakayin at arestuhin ang limang indibidwal na umano’y mga ‘tulak’ na nagresulta rin ng  pagkakasamsam ng nasa mahigit P1 milyong halaga ng shabu  sa buy-bust operation sa Taguig City,  Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Southern Police District-District Drug Enforcement Unit (SPD-DDEU) chief PMaj. Cecilio Tomas ang mga drug personalities na sina alyas “Jemai”, 34, alyas “Mohaimen”, 37;  alyas “Moonderf John”, 32; alyas “Mark Anthony”, 41; at alyas “Erwin”, 60, na sinasabing tagapangasiwa ng drug den.

Sa ulat, dakong alas-2:40 ng mada­ling araw nang pasukin ng mga opera­tiba ang bahay sa Villa St. Brgy. Central Bicutan, kasunod ng pagbebenta sa pulis na nagpanggap na buyer.  Nasamsam ang kabuuang 160 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,088,000.00, marked-money, at mobile phone na gamit sa ilegal na transaksyon.

Nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Section 5 (Sale), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), Section 11 (Possession), at Section 26 (Conspiracy) ng Republic Act  9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)  laban sa mga suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office.

SPD

TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with