^

Metro

144 PDLs nagtapos ng kurso sa kulungan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
144 PDLs nagtapos ng kurso sa kulungan
File photo showing the New Bilibid Prison in Muntinlupa City.
https: / / muntinlupacity.gov.ph /

MANILA, Philippines — Binati ni Bureau of Corrections Director Ge­neral Gregorio Pio Catapang Jr. ang 144 Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakapagtapos ng mga kurso sa ilalim ng Development Professional Growth Program, sa pagtutulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng University of the Philippines Open University (UPOU).

Kabilang sa mga kursong inalok ang Programming with Scratch, Practical Applications of Permaculture Design Ethics and Principles, Bridge English for Functional Literacy, at Business Concepts, Ideation, and the Business Plan. Sa pamamagitan ng mga programang ito, nakakuha ang mga PDL nang mahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan na magagamit nila kahit sa labas ng piitan.

Binigyang-diin ni Ca­tapang na ang pinakamahalagang aral na natutunan ay higit pa sa mga pagsusulit o pormal na pagkilala — ito ay ang kamalayan na ang bawat indibidwal, anuman ang kalagayan, ay may kakayahang matuto, magpabuti, lumikha, at maging mas mabuting bersyon ng kanilang sarili.

Ani Catapang, ang koreksyon ay dapat higit pa sa pagbabantay at seguridad, dahil kasama ang mandato ang repormasyon at paghahanda sa mga PDLs para sa kanilang muling pagbabalik sa lipunan bilang produktibo at responsableng mamamayan.

Dagdag pa niya na ang edukasyon ay may mahalagang papel sa pagkamit ng tunay na koreksyon, at kahit wala sa laya, ay may pagkakataongg matuto magpaunlad ng kasanayan, matuklasan ang potensyal, at umasa para sa mas magandang kinabukasan.

BUREAU OF CORRECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with