Abalos kinondena pambabastos ng AI data Hub developer

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. ang aniya ay kasuklam-suklam na asal ng managing director at Artificial Intelligence (AI) date center developer sa nangyaring public hearing sa Oton, Iloilo.
Ito ay matapos na mag-walkout sa lugar si Daniel Stefan Robertsen kung saan nagaganap ang konsultasyon sa panukalang 50-megawatt hyperscale AI date center sa nasabing lalawigan.
Sa ilalim ng panukala, magtatayo ng 10 ektaryang AI data center campus sa Barangay Abilay Sur, Oton.
Sa nangyaring public hearing nitong Biyernes, sinasabing naging balisa si Robertsen matapos na magtanong ang mga residente doon tungkol sa posibleng impact ng panukala sa kanilang water resources.
Bago mag-walkout, sinabi aniya ni Robertsen na hindi niya pinipilit ang sinuman na magtayo ng data center.
Kumalat din sa social media na iniinuslto nito ang mga local reporters na nagko-cover sa nasabing event.
Ayon kay Abalos, hindi nito dapat murahin o bastusin ang mga Pilipino lalo na sa sarili nating bansa kundi dapat irespeto niya ang mga tao at batas lalo na at dayuhan siya.
- Latest






















