50 lugar nasa state of calamity dahil sa Luis, Maymay at habagat

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 50 lugar ang isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng tropical cyclones Luis, Maymay at southwest monsoon o habagat, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Linggo, Agosto 16.
Kabilang sa mg lugar na apektado ay ang Central Luzon (Region 3) kabilang ang Pampanga – 21 siyudad at bayan; Bulacan – Calumpit, Hagonoy, Bulakan.
Sa CALABARZON (Region 4A) ay buong lalawigan ng Cavite (23 lungsod at bayan); Rizal – Montalban; Ilocos Region (Region 1) kabilang ang Dagupan City at Sta. Barbara.
Sa report ng OCD, umabot na sa 23 katao ang death toll - 15 sa Benguet, 3 sa Batangas, 1 sa Rizal, tig-isa sa La Union at Quezon).
Sa PNP tally ay 25 katao ang nasawi. Nasa 17 katao ang sugatan at 3 nawawala.
- Latest























