Baliktanaw sa kapalpakan at katakawan
NAGBABALA na noon pa ang mga environmentalists na daranasin natin ang matinding init at ang malupit na ganti nito sa buong mundo partikular na ang Asya ay sasalantain ng walang humpay na pagbuhos ng ulan at malalakas na hagupit ng hangin. At heto na nga!
Maraming industriya ang paghihirapin lalo na ang namumuhay sa produktong laman dagat, sea transportation businesses, import-export, local manufacturers at siyempre ang mga manggagawa. Asahan natin na darami ang sisibol na sakit at epidemya at malamang na bumagsak ang ekonomiya ng buong bansa. Parusa ito sa katampalasanan ng tao sa kalikasan.
Ang kasakiman sa kapangyarihan ng mayayamang bansa ang nagdudulot ng pangamba sa ‘sangkatauhan ngayon dahil anumang oras ay maaring sumiklab ang World War 3 na magsisilbing sandok ng kamatayan ng bilyo’ng populasyon ng mundo. Bantayan natin ang iginagalaw ng Iran, China, Japan, Russia at USA.
Pinakamalaking industriya sa buong mundo ang armas na pandigma at ang mga produktong ito ang pinaglalaanan ng malaking bahagi ng pondo ng maraming bansa at kalaunan ay ipinangungutang pa. Tulad natin!
Ang bansa natin ay naging biktima ng pananakop dahil sa likas na yaman ng karagatan at mga kabundukan. Sentro ng pagmimina ng mamahaling metal at ginto ang bansa natin at ngayon ay mina ng petrolyo naman ang inaagaw sa atin ng mga dayuhan. Kailangan natin ng isang matalino at matapang na presidente. Eh! Sino ngaaa?
Marupok ang pundasyon ng mga nauna nating pamunuan magmula kay Pres. Emilio Aguinaldo, Manuel L. Quezon at Jose Laurel Sr. dahil sa giyera na hatid ng mga dayuhan. Naging tagapagtangol at ayudante natin ang USA sa ekonomiya pero bakit pulubi pa rin tayo?
Binigyan tayo ng kasarinlan ng USA pero dahil sa kakulangan ng tapang at talino ng mga naging presidente natin ay nanatili tayong sunud-sunuran sa kanila. Puro pagpapayaman at kabuktutan din ang inatupag. Hanggang ngayon ay mga disenteng magnanakaw at maka-Diyos pa kunwari ang mga namumuno sa atin. Tsupi!
- Latest




















