Knicks vs 76ers sa NBA season opener
NEW YORK -- Isasabit ng Knicks ang kanilang championship banner sa NBA opening night sa Oktubre 20 kasabay ng pagsagupa kay LeBron James sa kanyang debut para sa Philadelphia 76ers.
Winalis ng New York ang Philadelphia, 4-0, sa nakaraan nilang Eastern Conference semifinals series.
Nagpalakas ang 76ers sa paghugot sa 41-anyos na si James matapos makuha si Jaylen Brown sa offseason.
Lalabanan naman ng runner-up San Antonio Spurs ang Oklahoma City Thunder, habang magtutuos ang Boston Celtics at Detroit Pistons para kumpletuhin ang tripleheader sa pagbubukas ng NBA season.
Sinibak ni Victor Wembanyama at ng Spurs si Shai Gilgeous-Alexander at ang Thunder, 4-3, sa nakaraang Western Conference finals.
Sa Oktubre 21 gagawin ni Giannis Antetokounmpo ang kanyang debut para sa Miami Heat sa pagharap sa Minnesota Timberwolves at lalabanan ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers.
- Latest



















