^

Probinsiya

3 Korean divers nasagip sa dagat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong Korean national divers ang matagumpay na nasagip habang palutang-lutang sa karagatang nasa pagitan ng Batangas at Mindoro.

Batay sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), lumilitaw na dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang mamataan ng mga tripulante ng isang FastCat ang mga divers na magkakakapit sa gitna ng karagatan. Patungo umano noon ang FastCat sa Calapan City mula Batangas Port.

Kaagad namang nagmaniobra ang barko para sagipin ang mga divers sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lifeboat.

Nabatid na ang mga divers ay nagsasagawa ng aktibidad sa Sabang, Puerto Galera, ngunit napalayo at nawala ang kanilang service boat sanhi upang magkapit-kapit na lamang sila habang naghihintay ng rescue.

BATANGAS

MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with