^

Probinsiya

Lola utas sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lola utas sa sunog
Kinilala ang nasawing biktima na si Claudia Bautista, narekober ang bangkay sa lugar matapos ang insidente.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay sa sunog ang isang 84 anyos na matandang babae makaraang makulong ito ng apoy sa loob ng nasusunog nitong tahanan sa Olongapo City, Zambales nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Claudia Bautista, narekober ang bangkay sa lugar matapos ang insidente.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Olongapo City, nangyari ang sunog sa bahay ng biktima kahabaan ng Bonifacio Extension, Brgy. Pagasa ng lungsod bandang alas-7 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, nasa ikalawang palapag ng kanilang tahanan ang matanda kasama ang kanilang katulong nang magsimulang sumiklab ang apoy na mabilis na kumalat sa buong kabahayan.

Ang katulong ng matanda ay nagtatakbo rin sa matinding taranta, pero naiwan nito ang matanda na tuluyang na-trap sa insidente.

Nabigong mailigtas ang matanda habang naapula naman ang sunog matapos na magresponde ang mga bumbero dakong alas-8:16 ng gabi.

Kasalukuyan pang inaalam ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsala sa insidente.

ZAMBALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with