^

Metro

P2.2 milyong shabu, nasamsam sa HVI tulak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P2.2 milyong shabu, nasamsam sa HVI tulak
Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors’ Office ang 40-anyos na suspek sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
STAR/File

MANILA, Philippines — Mahigit P2.2-milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa isang high value individual sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District (MPD), sa Malate, Maynila, noong Huwebes.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila City Prosecutors’ Office ang 40-anyos na suspek sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa ulat, dakong alas-5:40 ng hapon ng Agosto 6, nang madakip ang suspek ng mga operatiba ng MPD-Drug Enforcement Unit sa panulukan ng San Andres Street at Taal Street, Malate.

Nakipagtransaksyon ang suspek sa poseur-buyer at nang magkabayaran, gamit ang marked-money na may halong genuine P500 bill ay ipinatupad ang pag-aresto.

Nasamsam ang tinatayang 325 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,210,000.00 at narekober ang buy-bust money.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with