^

Metro

QCitizens pinag-iingat sa walang tigil na ulan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
QCitizens pinag-iingat sa walang tigil na ulan
Residents of Gumamela Street in Barangay Roxas District, Quezon City play in floodwaters following heavy rains enhanced by southwest monsoon (Habagat) on August 8, 2026.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Quezon City Local govern­ment ang lahat ng QCitizens na maging maingat at handa sa patuloy na pag ulan dulot ng Habagat.

Ayon sa QCLGU, may naitalaga ng mga evacuation sites sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide para sa ligtas at mabilis na paglikas.

Sa kasalukuyan nasa 6 na pamilya o 19 indibidwal na ang inilikas sa evacuation sites sa QC dahil sa matinding pagbaha. 

Ilan sa naturang mga lugar ay unti unti nang nagsa subside ang pagbaha bandang hapon.

Ayon sa QCLGU, kapag may emergency ay maaaring tumawag sa Quezon City Helpline 122 para sa mabilis na responde.

Patuloy na nakaalerto­ ang mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction Management Department at Department of Public Order and Safety katulong ang mga barangay para tugunan ang anumang emergency sa lungsod.

RAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with