6 na foreigner na illegal workers timbog sa BI
MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na dayuhan na umano’y iligal na nagtatrabaho sa mga establisimyento sa Binondo, Maynila.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang operasyon ay isinagawa noong Hulyo 29 sa isang sikat na shopping mall sa Binondo, kung saan nahuli ng mga operatiba ng BI ang anim na dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa bansa.
Ang mga naarestong indibidwal ay natagpuang sangkot sa mga aktibidad sa tingian na paglabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili at sa Retail Trade Act.
Bineberipika rin ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at pagkamamamayan ng dalawang indibidwal na nagpakilalang mga Pilipino. Ayon sa BI, sasampahan ng mga kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.
- Latest



















