^

Bansa

Ekonomiya ng bansa bumagal – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Naitala ang 2.3 percent growth, mas mababa kaysa sa 2.8 percent noong unang quarter, at malayo sa 5.4 percent na paglago sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ayon sa PSA, isa ito sa pinakamabagal na galaw sa nakalipas na 16 taon sa labas ng pandemic period, dulot ng epekto ng digmaan sa Middle East.

Dahil dito, umabot lamang sa 2.6 percent ang average growth sa unang semestre, mas mababa sa target ng administrasyong Marcos na 3.5 hanggang 4.5 percent.

Simula pa noong ikatlong quarter ng 2025, bu­magal na ang ekonomiya kasabay ng pagputok ng flood control scandal. Sa kasalukuyan, ang mataas na inflation ang pangunahing dahilan ng paghina ng household spending.

Umabot sa 7.2 percent ang inflation noong Abril—pinakamataas sa loob ng tatlong taon. Bagama’t bumaba ito noong Mayo at Hunyo, nanatiling higit pa rin sa 3 percent target ng pamahalaan.

PSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with