^

PM Sports

Asiad Title Defense: Kumukurap-kurap

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Dahil sa suspension ng Gilas players pagkatapos ng rumble kontra Australia, malaking problema ang hinarap ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagbuo ng koponan para sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Pero kahit kinailangan bumuo ng bagong team sa pamumuno ni coach Yeng Guiao, muntik makalusot sa semifinals, at eventually tumapos fifth place sa likod ng China, Iran, South Korea at Chinese Taipei.

Syempre, malaking bagay na napalipad – in short notice – si Jordan Clarkson. Sinamahan niya sa koponan sina Paul Lee, Gabe Norwood, Poy Erram, Stanley Pringle, Maverick Ahanmisi, Chris Tiu, James Yap, Beau Belga, Raymond Almazan, Christian Standhardinger at Asi Taulava.

Halos kaparehong problema ang hinaharap ngayon ng koponan ni coach Tim Cone para sa parating na 2026 Asiad sa Nagoya, Japan.

Mukhang malabong makalaro ang Gilas players na nasa Japan at Korean leagues. Kasalukuyang may iniinda sina Justin Brownlee, Calvin Oftana at CJ Perez. At malaking katanungan ang plano sa buhay ni Kai Sotto.

Nagdedelikado ang tsansa ng Gilas para sa FIBA World Cup at kikisap-kisap din ang liwanag sa Asiad title defense.

Dekada ang natapos sa pagdarahop ng Team Phl sa Asiad basketball nang gulantangin nina Brownlee at teammates ang China sa semifinals at ang Jordan sa gold-medal game sa nakaraang Asian Games sa Hangzhou, China.

Ang siste, malamang na hindi makabuo ng solidong koponan ang Gilas para sa Nagoya Games. Ang masama nito, mabigat ang paghahanda ng host Japan, at nanggagalaiting makabawi ang China. Sa tuwina, nandyan din ang matinding tindig ng Iran at South Korea.

Ang hiling ng marami eh sana masama pa rin sa plano ni Sotto ang pagsuot ng Team Phl jersey.

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with