^

Metro

Mototaxi riders, pabor sa LTFRB ban sa ‘multi-homing’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Mototaxi riders, pabor sa LTFRB ban sa ‘multi-homing’
Motorcycle riders from various ride-hailing applications stage a motorcade protest outside the Land Transportation Franchising and Regulatory Board office along Kalayaan Avenue in Quezon City on August 4, 2026
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Suportado ng Motorcycle Taxi Riders Organization (METRO) ang panukala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagbawal ang multi-homing o ang pagrehistro ng isang rider sa higit sa isang motorcycle taxi platform. Ayon sa grupo, magbibigay ito ng mas patas na pagkakataon sa mas maraming rider na makapasok sa industriya.

Sinabi ni METRO Co-Convenor Jason Luna na kailangan ang naturang polisiya upang matuldukan ang hindi pantay na pamamahagi ng rider accreditation. Aniya, may ilang rider ang nakakuha ng slot sa iba’t ibang transport network company (TNC), habang marami pa ring aplikante ang nananatiling nasa waiting list.

Giit ni Luna, sa halip na iilang rider lamang ang makinabang sa maraming accreditation slot, mas maraming Pilipino ang mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho at matatag na kabuhayan. Dagdag pa niya, makatutulong din ito upang mapanatiling ligtas at maayos ang operasyon ng motorcycle taxi industry.

Naniniwala rin ang METRO na ang ipatutupad na “one rider, one platform” policy ay magpapalakas sa pananagutan ng mga rider at operator, magpapadali sa pagpapatupad ng safety standards, at magsisiguro ng mas patas na pamamahagi ng accreditation.

Nangako ang grupo na patuloy itong makiki­pagtulungan sa LTFRB, Department of Transportation (DOTr), at mga motorcycle taxi operator upang maisulong ang mga repormang magpoprotekta sa kapakanan ng mga rider at commuter. Hinimok din nito ang lahat ng stakeholder na suportahan ang mga polisiyang nakabatay sa datos para sa ligtas at maayos na paglago ng motorcycle taxi sector.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with