Maymay humina, Dolphin nagbabanta

MANILA, Philippines — Humina na ang bagyong Maymay habang patuloy na bumabayo sa iba’t ibang bahagi ng Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, alas-11 ng umaga kahapon ay huling namataan si Maymay sa bisinidad ng Tanudan, Kalinga. Mahina itong kumikilos pa-timog silangan, taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras.
Dumaan si Maymay sa mountainous terrain ng Northern Luzon bago makarating sa eastern coastal waters ng Isabela at Cagayan. Inaasahang patuloy itong hihina at babagal sa direksyong timog-silangan hanggang sa tuluyang sumama sa galaw ng nagbabantang Tropical Cyclone Dolphin na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ka-hapon si Dolphin sa layong 1,450 km silangan-hilagang silangan ng extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at pagbugso na 185 kph.
Samantala, maulan sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro dahil sa hatid na ulan ng Habagat.
- Latest






















