^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sino ang dapat managot?

Pilipino Star Ngayon

Sa gitna ng usapin tungkol sa ghost flood control project sa Pandi, Bulacan, naging sentro ng diskusyon ang pansamantalang pag­laya ni dating Sen. Bong Revilla matapos payagan ng korte na magpiyansa.

Sa paliwanag ng korte, hindi pa sapat ang ebidensiya laban kay Revilla. May malinaw na batayan sa batas ang ganitong proseso, ang sinumang akusado, kahit pa dating ma­taas na opisyal, ay may karapatan sa due pro­cess at sa pansamantalang kalayaan habang nililitis ang kaso.

Pero hindi rin ibig sabihin nito na dapat tumigil ang publiko sa pagtatanong.

Kapag ang kasong pinag-uusapan ay may kinalaman sa umano’y P92.8-milyong ghost project, alleged kickbacks, at pondong para sana sa flood control, natural lang na mangu­westiyon ang taumbayan.

Lalo pa’t ang mga co-accused na dating­ opisyal ng DPWH ay hindi pinayagang maka­pagpiyansa, habang si Revilla ay pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ng P1 milyon.

Legal man ang paliwanag, mabigat pa rin ang dating nito sa publiko: bakit tila may pag­kakaiba ang pagtrato sa mga akusado depende sa kani­lang posisyon?

Mas lumalim pa ang tanong dahil sa dissent ni Justice Karl Miranda, na nagsabing hindi dapat tingnan nang hiwa-hiwalay ang mga ale­gasyon.

Para sa kanya, kailangang ilagay ang mga ito sa konteksto ng umano’y “kalakaran” sa DPWH, kung saan ang advance kickbacks ay maaaring mabawi kalaunan mula sa pondo ng publiko.

Ang mahalagang tanong ay kung sino ang nakinabang at kung paano nauwi sa gastos ng gobyerno ang buong operasyon.

May isa pang hindi dapat malimutan: ang mahigit P124 milyon na, ayon sa Ombudsman, hindi pa rin naibabalik ni Revilla mula sa kan­yang naunang pork barrel case.

Kung may desisyon nang may civil liability­, bakit taon ang lumipas at wala pa ring mali­naw na pagbabalik ng pera sa kaban ng bayan?

Kaya dapat magpatuloy ang kaso, pabilisin­ ang paglilitis, patibayin ang ebidensiya, at higit sa lahat, sagutin ang tanong ng bayan: nasaan ang pera, sino ang nakinabang, at ka­ilan ma­na­­nagot ang dapat managot?

Pera ng taumbayan ang nawaldas at nara­rapat lamang na maibalik ito sa tamang kinalalagyan para pakinabangan nang nakararami.

FLOOD CONTROL PROJECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with