^

PSN Opinyon

Masasamang online sites matyagan ng magulang

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Naglipana ang mga satanista, sadista, pornographers, magnanakaw, manlalanse, at bully sa online. Sinisikap ng mga gobyerno na supilin sila. Minumultahan ng daan-milyong dolyar at euro ang Facebook, Telegram, Tiktok, atbp. platforms na mabagal mag-take down ng kriminal at malalaswang posts. Tinitiktik, hinahabla ng pulis ang mga salarin.

Karaniwang binibiktima ang mga bata. Mura kasi ang isip nila. Hindi alam ang tama sa mali. Madaling takutin at utuin.

Tungkulin ng mga magulang na bantayan ang pag-online ng mga anak. Dapat hindi nila ito iasa sa mga guro, paaralan, at social workers.

CVLT, 764 Network, at Order of Nine Angles ay ilan lang sa mga organisasyon online na nagtataguyod ng gulo, pananakit, karahasan. Meron ding Roblox na ­iresponsableng nagbebenta ng mararahas at malalaswang games. Ehemplo ng bayolenteng games ang Minecraft, Gorebox, at Mobile Legends.

Kinse anyos lang si Bradley Chance Cadenhead nu’ng itatag niya ang 764 network. School dropout siya. Nagkulong sa kwarto at nalulong sa online. Natuto siya mag-sextortion at magmanipula ng mga menor de edad online. Kinaibigan siya ng isang estrangherong sadista na nagpayo na itatag niya ang 764 network.

Maraming adults at menor de edad na sumapi sa 764 network. Inudyukan nila ang mga kasapi na manakit ng kapamilya at alagang hayop, at i-post ito online. May mga nag-idolo kay Hitler at mga mamamatay-tao. Nilalanse ang mga bata na mag online sex, tapos ibinebenta ito sa pedophiles.

 Inulat ng PNP na marami sa mga nahuling namamaril, nananaksak, at nananakit sa campus ay lulong din sa masasamang napapanood online. Nautulad sila kay Cadenhead.

***

 

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with