^

PSN Palaro

Obiena bumanat uli ng ginto sa Germany

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena bumanat uli ng ginto sa Germany
EJ Obiena
STAR / File

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na ratsada ni two-time Olympian EJ Obiena matapos masungkit ang gintong medalya sa Stabhochsprung Meeting na ginanap sa Jockgrim, Germany.

Nairehistro ng Pinoy pole vaulter ang impresibong 5.83 metro upang makamit ang kampeonato sa torneo.

Ito ang ikaapat na gintong medalya ni Obie­na sa outdoor at ikapito sa season na ito sa kabuuan kasama ang tatlong medalya sa indoor tournaments.

Hindi naging madali ang lahat kay Obiena na nahirapang makuha ang marka sa kanyang warm up sessions bago magsimula ang event.

Gayunpaman, masaya ito na unti-unti nang nagbabalik ang bagsik nito — bagay na pagpapakita ng kahandaan para sa kanyang title defense sa 2026 Asian Games na idaraos sa Setyembre sa Nagoya, Japan.

“Was far from a smooth competition and some struggles during warm-up and earlier bars, but happy to scrape an 80 bar. We continue to work and now a few training sessions in before we go again,” ani Obiena.

Maganda ang inilalaro ni Obiena sapul nang magpalit ito ng coach at lumipat ng training venue.

Nasa ilalim ng paggabay ni Marcin Szcepanski ng Poland ang training prog­ram ni Obiena.

Mula sa Formia, Italy ay lumipat din ng training base si Obiena sa Athens, Greece sapul noong nakaraang buwan.

Natuldukan na ang mahigit isang dekadang pagsasama nina Obiena at dating Ukrainian coach nitong si Vitaly Petrov.

“It’s really hard. That decision was not made just because. We still talk and I call Vitaly from time to time. I love the guy, I really do,” ani Obiena.

EJ OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with