^

Metro

2 ‘utak’ tukoy na Vlogger tinodas sa P8 milyong utang

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 ‘utak’ tukoy na Vlogger tinodas sa P8 milyong utang
Nartatez vows to rid PNP of scalawags Phi­lippine National Police (PNP) Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr.
Philippine National Police / Facebook page

MANILA, Philippines — Ang utang na umano’y umabot sa P8 milyon at personal na away ang lumilitaw na motibo sa pamamaslang sa pro Marcos vlogger na si Alicia Lipata, o mas kilala bilang “Mima Alicia.”

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ito ang lumalabas sa kanilang imbestigasyon kung saan tukoy na rin ang dalawang mastermind na isang negosyante at kasosyo sa negosyo.

Napag alaman na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Lipata at ang dalawang ‘utak’ dahil sa P8 million na utang.

Ang dalawang mastermind ay kinilala umano ng mga naarestong suspek.

Gayunman, tumanggi ang PNP chief na panga­lanan ang mga suspek dahil patuloy pa ang imbestigasyon. Aniya, naisampa na ang mga kaso laban sa mga ito ngunit nananatiling nakalaya at tinutugis ng mga awtoridad.

Si Lipata, na kilala bilang tagasuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay binaril ng riding-in-tandem na mga suspek sa harap ng kanyang bahay sa Caloocan City noong madaling araw ng Hulyo 17.

Naaresto naman noong Hulyo 23 sa Mabalacat City, Pampanga ang dalawang umano’y gunman na sangkot sa pagpatay. Ayon sa PNP, posibleng inupahan lamang ang mga ito upang isagawa ang pagpaslang.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with