^

PSN Palaro

Meralco bagsak sa Magnolia

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco bagsak sa Magnolia
Sumalaksak si Magnolia import KJ Buffen laban kay Meralco center Brandon Bates.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sumampa sa win co­­lumn ang Magnolia ma­tapos patumbahin ang Meralco, 112-98, para sa una nilang panalo sa PBA Season kahapon 50 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si import KJ Buffen ng 26 points, 12 rebounds at 5 assists para sa 1-2 kartada ng Hotshots sa Group B, habang iniskor ni Zav Lucero ang 17 sa kanyang 20 markers sa second half.

Nagdagdag si veteran big man Ian Sangalang ng 16 points at may 14 at 13 markers sina Mark Barroca at Jerome Lastimosa, ayon sa pagkakasunod.

“Iyong game plan namin, sinunod lang namin kung ano iyong dapat namin gawin tonight para makuha namin iyong pa­nalo na ito,” ani Sangalang.

Bigo ang Bolts na ma­kakonekta sa kanilang ikatlong dikit na panalo para sa 2-2 baraha.

Kumolekta si balik-import Antonio Hester ng 28 points at 10 boards kasunod ang 12 markers ni CJ Cansino para sa Meralco na naiwanan sa 38-52 sa 5:18 minuto ng second period.

Isinara ng Magnolia ang third quarter bitbit ang 84-77 bentahe.

Sa likod nina Cansino at Aaron Black ay nakadikit ang Bolts sa 88-92 sa pagsisimula ng fourth period bago muling nakalayo ang Hotshots sa 105-92 mula sa three-point shots ni Rome dela Rosa sa huling 3:49 minuto.

Naghamon ang Meralco sa 96-105 sa nalalabing 1:41 minuto ng laro hanggang iskorin ni Lucero ang huling pitong puntos ng Magnolia.

Nag-ambag si Bong Quinto ng 11 points sa panig ng Bolts at may 10 markers si Black.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with