Asahan ang ‘pasabog’ ni Marcos sa SONA - Castro

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Palace Press Officer Claire Castro na asahan na magkakaroon ng “pasabog” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 27, 2026.
Tugon ito ni Castro sa tanong kung ano ang magiging kaibahan ngayon sa nakaraang SONA at kung mayroong aasahang “earthshaking” announcements.
Ayon kay Castro, lagi naman ganoon ang SONA ng pangulo kaya hintayin na lang kung ano ang kanyang sasabihin, subalit tiyak aniya na hindi mawawala ang mga naging accomplishment ng administrasyon .
Sa ngayon ay malapit na rin aniyang matapos ang sinusulat na speech ng pangulo para sa kanyang SONA na inaasahang malalaman ang nilalaman nito sa Linggo.
Hindi naman matukoy ni Castro kung mapapakinggan sa SONA ang tungkol sa contractors at flood control scandal maging sa nangyayaring impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at iba pang isyung pang politika.
- Latest




















