^

Police Metro

Navy trainee todas sa heat stroke

Joy Cantos - Pang-masa
Navy trainee todas sa heat stroke
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Hulyo 21, 2026 ng umaga habang ang biktima ay nagjo-jogging sa NSLG nang bigla itong dumaing nang paninikip ng paghinga at kasunod ay himatayin.
Freeman/File

MANILA, Philippines — Isang trainee ng Philippine Navy ang nasawi nang ma-heat stroke habang nagjo-jogging bilang bahagi ng 5 kilometer run sa naval Station Leovigildo Gantioqui sa San Marcelino, Zambales.

Kinumpirma ni Captain Marie Angelica Sisican, Chief ng Philippine Navy Public Affairs Office ang pagkamatay ng biktimang si Officer Candidate Aldwayne Dulnuan, miyembro ng Naval Officer Candidate Course Class 47.

Si Dulnuan ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ulticare Medical Center sa Olongapo City noong Hulyo 22, alas-12:53 ng hapon.

Sinabi ng opisyal na si Dulnuan ay sumasailalim sa officer training sa Naval Education Training and Doctrine Command sa San Marcelino, Zambales nang mangyari ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Hulyo 21, 2026 ng umaga habang ang biktima ay nagjo-jogging sa NSLG nang bigla itong dumaing nang paninikip ng paghinga at kasunod ay himatayin.

Lumabas sa inisyal na medical assessment ang biktima ay dumanas ng cardiac arrhythmia, heat exhaustion, at electrolyte imbalance.

Unang isinugod sa NSLG Medical Dispensary ang biktima bago inilipat sa San Marcelino District Hospital at panghuli ay na-confine ito sa Intensive Care Unit (ICU) sa Ulticare Medical Center Inc., kung saan na-diagnose na heat stroke.

HEAT STROKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with