^

PSN Opinyon

‘Di pwede ‘bopol’ sa impeachment trial

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Kapag impeachment trial ang usapan, hindi puwedeng bara-bara. Ang bawat senador na nakaupo bilang senator-judge ay hindi lamang politiko kundi hukom na huhusga sa kapalaran ng isang mataas na opisyal ng gobyerno.

Kaya’t hindi nakapagtataka na nagpasabog ng salita si dating Senador Panfilo Lacson nang tawagin niyang “bopol” ang isang senator-judge. Matalim ang salitang iyon dahil sadyang mahalaga ang kaalaman sa batas ng mga mambabatas. Hindi sapat ang popularidad, hindi sapat ang karisma.

Sa impeachment trial, ang nakataya ay ang integridad ng mga institusyon at ang tiwala ng taumbayan.

Kung kulang sa kaalaman sa batas ang mga mambabatas, nagiging bulag ang proseso. Ang maling tanong, maling interpretasyon, o maling paghawak ng ebidensiya ay maaaring magbunga ng maling hatol.

Sa kabilang banda, ang mambabatas na may matibay na pundasyon sa batas ay nagiging gabay ng Senado. Ang kanilang talino at pag-unawa sa legal na proseso ang nagsisiguro na ang impeachment trial ay hindi mauuwi sa circus kundi sa ma­katarungang paglilitis.

Ang banat ni Lacson na “bopol” ang isang senator-judge ay dapat tingnan hindi lang bilang insulto kundi bilang paalala na ang Senado ay hindi dapat maging pugad ng kamangmangan, kundi tahanan ng talino at hustisya. Ang impeachment trial ay hindi larong pulitika. Ito’y pagsubok sa kakayahan ng ating mga mambabatas na ipagtanggol ang batas at ang bayan.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with