^

PSN Opinyon

Nakatisod ng E-Sabong sa paghahabol ng kriminal

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG sinuswerte itong bagong upong Director ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) na si P/BGen. Rimano Cardiño matapos na singbilis ng kidlat ang pag-aresto sa brutal na pumatay sa Marine Biologist na Amerikano na si Kent Edward Carpenter dahil muling naka­tisod ang mga bataan nito ng isang Illegal Online E-Sabong sa loob mismo ng property ng isang pulitiko. Hehehe!

Ayon kasi sa pahayag ni P/BGen. Cardiño magsisilbi lamang umano ng Warrant of Arrest ang kanyang mga ba­taan ng madiskubre itong illegal operation na nagaganap sa loob ng propery ng pamilya ni BM Montelibano sa may Hacienda Pilar, Barangay Alicante, E.B. Magalona, Negros Occidental. Ang illegal na operasyon umano ng E-Sabong sa loob ng property ni Montelibano ay pinatatakbo ng isang alias ‘Sy’ subalit lumalabas na nakapuga ito nang makapasok ang mga bataan ni P/BGen. Cardiño subalit mukhang may kalalagyan itong apat na mga tauhan na sina alias “JG”,40; “FD”,38, “RL”, 36 at “EC”, 29 dahil sandamakmak na ebidensiya ang nasamsam sa naturang illegal online sabong.

Paano nga naman maitatanggi itong mga nadiskubreng 142 na mga buhay na tinare (fighting cock), 106 na mga patay na tinare, 156 gaffs, 2 television monitors at 2 camera stand na sa paunang imbestigasyon ng mga kapulisan ay ginamit ng grupo upang maipalabas sa online E-Sabong. Kung sabagay sa mga pahayag nitong si BM Montelibano, bukas umano siya sa imbestigasyon hinggil sa natuklasang illegal na operasyon ng E-Sabong at hindi naman niya itinatanggi na property nga ito ng kanilang kompanya. Kung sabagay dapat lamang na maging bukas itong si BM Montelibano sa imbestigasyon na isasagawa ni PRO-NIR Dir. P/BGen. Car­diño upang mawala ang agam-agam ng mga taga-Negros Island na may kinalaman siya sa illegal na operasyon ng Online E-Sabong sa kanyang nasasakupan.

Magandang ehemplo rin kasi ito para sa mga kapwa niya mga pulitiko na domistansya sa investigation kung mismo sa PNP hinggil sa illegal na natuklasan upang mawala ang hinala na may mga basbas ito. At para kay PRO-NIR Dir. P/BGen. Cardiño Sir, dapat lamang na ipasailalim mo sa masusing imbestigasyon itong natuklasan n’yo sa loob ng compound ng property ng mga Montelibano dahil baka may matutuklasan pa kayong nakatago roon na hindi nalalaman ni BM Montelibano.

At para sa lahat ng mga sumalakay sa illegal na Online E-Sabong Arena ipagpatuloy lang ninyo ang inyong kasipagan at katapatan sa serbisyo dahil ang taong Bayan ay nakasubaybay sa inyong mga trabaho. Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata at kahihinatnan ng pagkatisod ng illegal na Online E-Sabong diyan sa area of responsibility ni PRO-NIR P/BGen. Romano Cardiño. May malaking isda kaya ang matutumbok sa operasyong ito? Abangan!

E-SABONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with