^

Metro

NBI tatalupan ‘ghost’ flood projects sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
NBI tatalupan ‘ghost’ flood projects sa Taguig
National Bureau of Investigation.
PNA / File photo

MANILA, Philippines — Kinumpirma nitong Lunes ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na iniimbestigahan na nila ang umano’y “ghost” projects sa flood control sa Taguig, ang balwarte ni Senator Alan Peter Ca­yetano.

Sa isang ambush interview, sinagot ni Matibag ang isyu sa pagsasabing may 11 flood control projects umano si Sen. Cayetano na naipatupad noong 2022 na iniuugnay din sa mga pina­ngalanang top 15 contractors na nakakuha ng pinakamaraming kontrata sa flood control projects sa bansa.

“…Since tinanong n’yo baka sabihin timing na naman, anyway, public na naman ‘yan dahil sinasabi ni  Senator Lacson, I think we should mention it..” ani Matibag.

Iginiit niya na hindi pulitika, kungdi batayan sa pag-iimbestiga ang mga dokumento, ebidensya at testimonya.

Una nang lumutang ang isyu laban kay Ca­yetano matapos akusahan niya si Sen Panfilo Lacson na nadoble ang net worth batay sa 2025 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Itinanggi naman ni Cayetano ang alegasyon, subalit lumutang naman na ang mismong kapatid na si Lino Cayetano ang humiling na imbestigahan ang sinasabi niyang flood control projects sa Taguig.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with