^

PSN Palaro

Dyip nilasing ng Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dyip nilasing ng Beermen
Sumalaksak si San Miguel import George King laban kina Terrafirma reinforcement Justin Strings at JM Bravo.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nakabangon ang Terrafirma mula sa isang 22-point deficit sa third period para agawin ang 104-101 abante sa huling 1:21 minuto ng laro.

Ngunit hindi pumayag ang San Miguel na masilat sila.

Nilasing ng Beermen ang Dyip, 109-104, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Dinuplika ng Beermen ang naunang 123-109 pa­nalo  sa guest team Macau Giant Pandas para itagay ang 2-0 record sa Group A.

Laglag ang Dyip sa kanilang ikatlong dikit na kamalasan matapos ang 113-100 panalo sa Titan Ultra Giant Risers sa pagbubukas ng torneo noong Hulyo 10.

Ito rin ang ika-12 panalo ng SMB sa kanilang 13 pagtutuos ng Terrafirma.

Humakot si balik-import George King ng 37 points, 14 rebounds at 3 steals para banderahan ang Beermen at may 22 at 17 markers sina CJ Perez at Don Trollano, ayon sa pagkakasunod.

“We couldn’t put them away. Big shoutout to Terrafirma they fought hard, they really gave us a run for our money. I got nervous, Im glad we came out with the win,” ani King.

Nauna nang muntik makasilat ang Dyip, nakahugot kay import Justin Strings ng 28 points at 12 boards, sa NLEX Road Warriors, 100-101, at sa Converge FiberXers, 103-105.

Kinuha ng San Miguel ang 68-46 abante sa pagbubukas ng third period bago nakabawi ang Terrafirma at nakatabla sa 101-101 mula sa dalawang sunod na layup ni Ma­verick Ahanmisi sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Ang three-point shot ni Juami Tiongson ang nagbigay sa Dyip ng 104-101 bentahe sa 1:21 minuto ng laro.

Umatake sina King at Perez para muling itaas ang Beermen sa 106-104 sa natitirang 4.4 segundo.

Samantala, ipaparada ng Barangay Ginebra si import Riley Grigsby, kapalit ni injured Justin Brownlee, sa pagsagupa sa Phoenix (2-0) sa Group B ngayong alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Itatapat ng Gin Kings si Grigsby, naglaro para sa Santa Cruz Warriors at Sioux Falls Skyforce, kay Robert Johnson III ng Fuel Masters.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with