^

Metro

Maynila, kinilala sa paggamit ng GIS technology sa disaster management

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala ang Lungsod ng Maynila matapos nitong makuha ang Special Achievement in GIS (SAG) Award mula sa Esri, isang nangu­ngunang kumpanya sa Geographic Information Systems (GIS), sa ginanap na Esri User Conference 2026 sa San Diego, California.

Pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang delegasyon ng lungsod sa pagtanggap ng parangal. Ang Maynila ang nag-iisang awardee mula sa Pilipinas sa 197 organisasyong napili mula sa mahigit 700,000 gumagamit ng Esri technology sa buong mundo.

Ayon sa Esri, ibini­bigay ang SAG Award sa mga pamahalaan at organisasyon na nagpapakita ng natatanging ino­basyon at kahusa­yan sa paggamit ng GIS upang mapahusay ang serbisyo publiko, pagdedesisyon, at operasyon ng pamahalaan. Kabilang ang Maynila sa mga kinilalang institusyon mula sa Singapore, Turkey, Switzerland, Japan, at Kenya.

Ginagamit ng pamahalaang lungsod ang GIS technology sa digital mapping, spatial analysis, at real-time data monitoring upang mapalakas ang disaster preparedness at res­ponse, lalo na sa pagbaha, sunog, at iba pang emergency sa anim na distrito ng Maynila.

Sinabi ni Domagoso na ang pagkilala ay bunga ng pagsisikap ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) at GIS teams ng lungsod.

Kasama niya sa pagtanggap ng award sina Manila City Assessment Department OIC Atty. Ma. Cristina Fernandez, Manila GIS Team Leader Ramon Jefferson Verano, at MCDRRMD Research and Planning Chief Christian John Evangelista.

GEOGRAPHIC INFORMATION SYSTEMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with