Herbosa sumailalim sa operasyon ng tuhod
MANILA, Philippines — Sumasailalim pa sa physical therapy at rehabilitation si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Ted” Herbosa matapos sumailalim sa knee replacement surgery, ayon kay Health Undersecretary Albert Domingo.
Sa isang ulat nitong Sabado, kinumpirma ni Domingo na kasalukuyan pang nakabakasyon ang kalihim na nagsimula noong Lunes, Hulyo 6.
Makikita sa Facebook post ni Herbosa ang ibinahaging larawan ay nakasuot siya ng puting T-shirt na may print sa harap at may nakasulat na “New knee, new me.”
Pansamantalang officer-in-charge si Domingo habang habang bakasyon pa si Herbosa. Hindi pa tiyak kung kailan magbabalik trabaho si Herbosa.
- Latest



















