^

Metro

Driver ng Koreano, dakma sa carnapping

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang perso­nal driver ng isang Korean national sa diumano’y gawa-gawang ‘flash alarm’ at pakikipagsabwatan sa dalawa pang suspek na nagpakilalang police officers na tumangay ng van, sa Pasig City, noong Huwebes.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), inaresto ng Ortigas Police Sub?Station 1, ang 57-anyos na driver at nahaharap na sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti?Carnapping Act of 2016).

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi ng Hulyo 9, 2026, ang 43-anyos na Korean—real estate consultant at kasintahan nito ay kumain sa isang restaurant, habang nanatili sa van ang suspek na driver sa Escriva Drive, Barangay San Antonio, Pasig City.

Alas-9:13 nang makatanggap ng text message ang amo mula sa driver na nagsasabing “callback” at nang tawagan, isang boses ng lalaki ang sumagot, nagpakilalang pulis at sinabihan na naka-“flash alarm” ang sasakyan at kailangang dalhin sa police station para sa verification.

Hindi na bumalik ang sasakyan at sa follow-up operation, at pakikipag-ugnayan sa Anti?Carnapping Unit (ANCAR), natuklasan na peke at ginamit lang na diskarte ng mga suspek ang “flash alarm”.

Agad na inaresto ang driver, habang patuloy pang iniimbestigahan ang dalawang kasabwat. Hindi pa narerekober ang sasakyan ng biktima.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with