2.5 toneladang manok nasabat, 2 huli

3 poultry facility ni-raid
MANILA, Philippines — Aabot sa 2.5 toneladang karne ng manok ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation- Laguna District Office (NBI-LAGDO) nang salakayin ang tatlong poultry dressing facility kung saan dalawang operator nito ang inaresto sa kawalan ng permit at akreditasyon, sa Sta. Rosa, Laguna, noong Martes.
Sa ulat, Hulyo 7, 2026 sinalakay ang pasilidad bunsod ng reklamong inihain ng pribadong indibidwal noong Hunyo 25, 2026 hinggil sa operasyon ng katayan ng manok, ng walang kaukulang permit sa lokal na pamahalaan at National Meat Inspection Service (NMIS).
Natukoy ng NBI ang mga pasilidad na kulang din umano sa tamang sanitasyon ang mga pasilidad na maaaring maging peligro sa kalusugan ng consumers.
Isinailalim na ang dalawang suspek sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 10536 (Meat Inspection Code of the Philippines.
- Latest


















