2 ‘Salisi’ laglag sa QCPD
MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang binata matapos salisihan at pagnakawan ang nakatulog na kapitbahay sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Randy Glenn Silvio, lumabas sa imbestigasyon na pinasok nina alyas “Bryan”, 24, at “Shan”, 19, kapwa residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City bandang alas-6:30 ng umaga ang bahay ng kanilang kapitbahay na noo’y natutulog.
Tinangay ng dalawang suspek ang Apple iPhone 12 Pro na nagkakahalaga ng P75,000. Agad namang nai-report ang insidente na nagresulta sa pagkaka aresto ng mga suspek.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong pagnanakaw (salisi) sa ilalim ng Artikulo 308 ng Revised Penal Code.
- Latest


















