^

PM Sports

Wimbledon stint nagpalakas kay Eala

Chris Co - Pang-masa
Wimbledon stint nagpalakas kay Eala
Alex Eala

MANILA, Philippines — Tagumpay pa rin si Alex Eala sa kabila ng kabiguan nitong makapasok sa quarterfinals ng Wimbledon Championships na ginaganap sa London, England.

Naputol ang matikas na ratsada ni Eala nang lumasap ito ng 4-6, 6-4, 3-6 kabiguan sa kamay ni world No. 17 Jasmine Paolini ng Italy para tuluyang mamaalam sa kontensiyon.

Sa kabila nito, malaki ang iniwang tatak ni Eala sa lahat ng Pilipinong sumubaybay sa kanyang mga laban sa Wimbledon.

Nagkaisa ang lahat upang suportahan ang bagong sports hero ng bansa sa ngalan ni Eala.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ni Eala sa mainit na suporta ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo.

“Salamat sa lahat ng mga Pilipino na sumuporta, sa mga nanood sa watch parties. Very grateful,” ani Eala.

Maraming natutunan si Eala na madadala nito sa kanyang mga susunod na laban.

Isa na rito kung paano sakyan ang pressure sa bawat laban nito partikular na sa mga bigating players.

“There are so many positives. Well, one I think is how I’ve handled pressure. I’m happy with how I faced it head on. I think I kept cool when I needed to control my emotions. Overall, performed the best that I could on the day,” ani Eala.

Sunod nang pagha­handaan ni Eala ang hard court season kung saan pakay nitong magkaroon ng magandang ratsada sa US Open.

“I think this week in general will add to my confidence. I mean, if this week doesn’t. It’s been one of my best results, right? Of course, it will add confidence,” ani Eala.

Pinuri ni Eala ang mahusay na inilaro ni Paolini.

Sa katunayan, aminado si Paolini na nahirapan din ito kay Eala.

Para kay Paolini, bagay na bagay ang estilo ng laro ni Eala sa grass court.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with