Giannis nagpaalam na sa Bucks
MIAMI — Nagtapos na ang 13 taong paglalaro ni Giannis Antetokounmpo sa Milwaukee Bucks na tinampukan ng pagkopo sa NBA championship noong 2021.
Sa isang video sa kanyang social media accounts ay pormal na nagpaalam si Antetokounmpo sa Milwaukee at nagpahayag ng kanyang pagmamahal sa lungsod.
“I hope that I was able to represent them the best that I could. And I was like them. I showed up to work. Did everything that I was willing to do, all the dirty work, just like them,” sabi ng Greek star.
Kasama ni Antetokounmpo na maglalaro sa Miami si Bobby Portis.
Ibinigay ng Heat sa Bucks sina Tyler Herro, Kel’el Ware, Jaime Jaquez Jr., Kasparas Jaku?ionis, ang No. 13 pick sa 2026 NBA draft (ginamit ng Milwaukee para makuha si forward Nate Ament) at dalawang dagdag na future first-round picks, isang pick swap at isang second-round pick.
Nakuha rin ng Miami si free agent Tim Hardaway Jr.
- Latest
















